
Ikinuwento nina Eugene Domingo at kanyang asawa na si Danilo Bottoni ang ilang payo para sa couples na nasa long distance relationship.
Ito ay inilahad ng mag-asawa sa Valentine's Day vlog sa channel ni Eugene.
Sina Eugene at Domingo ay nagkakilala sa Udine Far East Film Festival sa Udine, Italy. Kuwento ni Eugene, "2015 kami nagchikahan, 2016 we got married in the Muslim community."
PHOTO SOURCE: @eugenedomingo_official
Dugtong naman ni Danilo, "Because I'm Muslim, I cannot have a relationship with a girl if we're not husband and wife."
Dahil mula sa magkaibang bansa sina Eugene at Danilo ay nagkaroon sila ng long distance relationship. Sa vlog ni Eugene, nagbahagi sila ng kanilang payo para sa mga couples na nasa long distance relationship.
Ani Danilo, "You want your partner to feel your love, anytime, everyday. Try to always have fun together."
Payo naman ni Eugene, ito ang mga kailangan ng magkarelasyon na naninirahan sa magkaibang lugar.
RELATED GALLERY: LOOK: Eugene Domingo spends quality time with beau Danilo Bottoni in Amsterdam
"What's important is the communication, and like you said the commitment and the creativity. The effort is there."
Dugtong pa ni Eugene, mahalaga ang pag-alaga sa relasyon kahit na malayo ang partner.
"Kapag pinabayaan mo, hindi mo inalagaan or hindi kayo nakahanap ng ways to nurture your relationship kahit long distance yan, magpi-fade."
Narito ang Valentine's Day vlog ni Eugene at ni Danilo: