
Nakipag-basketball showdown si Eugene Domingo at ang bluffers sa kanilang guests na basketball players sa Celebrity Bluff.
Nitong Sabado, September 5, muling napanood sina Eugene, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.
Nakasama nilang maki-'Fact or Bluff' ang ilang personalidad mula sa laro ng basketball. Bumisita ang Team Gilas na binubuo nina Ryan Araña at Jeff Chan, ang Team NU Bulldogs na binubuo nina Rev Diputado at Jeth Roy Rosario, at ang Team Pingris na binubuo ng mag-asawang sina Danica Sotto at Marc Pingris.
Maliban sa tagisan sa kaalaman at katatawanan, nagpakitang-gilas din ang lahat sa kani-kanilang basketball tricks. Sino ang inyong kakampihan sa pagitan ng Team Celebrity Bluff at Team celebrity players?
Panoorin ang buong video ng September 4 episode sa itaas.
Ang Celebrity Bluff ay mapapanood na tuwing Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl.