
Kung sweet ang college rivals-turned-lovers na sina LA Revilla at Denden Lazaro, dapat sweet din sina Eugene Domingo at Jose Manalo! 'Yan ang hamon ng dalawang celebrity athletes sa #JoGE love team sa Celebrity Bluff.
Nitong Sabado, March 13, napanood sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay, at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.
Tatlong pares ng celebrity athletes ang naging competitive sa paglaro ng “Fact or Bluff.” Team mates sina LA at Denden. Tandem sina Dindin Santiago at Chico Manabat. Magkakampi naman sina Rex Intal at Mark Alfafara.
Sina LA at Denden ang umabot sa jackpot round kaya't ininterview sila ni Uge tungkol sa kanilang love story. Nang dahil sa mutual friend ay naging magkaibigan daw muna ang dalawa kahit pa taga-De La Salle University si LA at Atenista naman si Denden.
Ibinalik naman ni Denden ang tanong at inusisa kung love at first sight ang namamagitan kina Uge at Jose. Ibinato rin niya sa #JoGe love team na sila ang dapat mag-kiss on screen.
May love advice din ang Celebrity Bluff host. Aniya, “Tandaan po ninyo, ang love parang sports 'yan 'no. Kailangan mong ibigay ang best mo sa lahat ng pagkakataon na parang 'yun nalang ang last shot mo.”
Panoorin ang March 13 episode ng Celebrity Bluff sa video sa itaas.