
Nag-kiss nga ba on-screen sina Eugene Domingo at Jose Manalo sa Celebrity Bluff?
Nitong Sabado, March 20, napanood sina Eugene, Jose, Boobay, at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.
Tatlong pares ang naglaro para maki-“Fact or Bluff.” Binuo nina Miriam Quiambao at Ardy Roberto ang unang pares. Magkagrupo sina JC Gonzalez at Luane Dy. At magka-tandem naman sina Roxanne Barcelo at Will Devaughn.
Dahil nakakakilig ang love story ng celebrity players, hindi naman naiwasan ni Eugene na mainggit.
Aniya, “Talagang naggo-glow ang mukha ng mga in-love 'no? Effortless! How I wish to have that kind of glow. ASAP.”
At nang tumabi siya kay Jose ay kinumpirma ng celebrity players at audience sa pamamagitan ng hiyawan ang pag-glow ng Celebrity Bluff host.
Dagdag niya, “Matagal na akong naghahanap ng alam mo na, maglalabas ng natural glow ko as a woman.”
“Kasi minsan lang talaga 'yung parang lalabas talaga 'yung… You know you make me feel like a natural woman," sambit din niya kay Jose.
Nang dahil din sa kategoryang “kasalan” sa unang round ng 'Fact or Bluff,' isang kasal din ang ni-reenact ng #JoGe love team. Natuloy nga ba ang inaabangang on-screen kiss nina Eugene at Jose?
Maliban sa winning moment na ito, panalo rin ang celebrity pair na nakaabot sa jackpot round!
Panoorin ang March 20 episode ng Celebrity Bluff sa video sa itaas.