What's on TV

Eugene Domingo at Jose Manalo, nagkaaminan dahil sa nakainom?

By Cherry Sun
Published January 20, 2021 5:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Jose Manalo at Eugene Domingo


Totoo ba ang kasabihang 'Kapag may alak, may balak?' Balikan ang nakakakilig na tagpong ito sa 'Celebrity Bluff!'

Patuloy ang pag-aaminan ng feelings nina Eugene Domingo at Jose Manalo sa Celebrity Bluff.

Nitong Sabado, January 16 muling napanood sina Eugene, Jose, Boobay, at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Samantala, ang hot celebrity moms na sina LJ Reyes, Sarah Lahbati at Karel Marquez ang kanilang guests na naglaro ng “Fact or Bluff.”

Kahit unang tanong pa lang sa unang round ay nabalot na ng kulitan, tuksuhan at pag-aaminan ang programa nang uminom ng beer sina Eugene at Jose. Ang serbesa kasi ang sagot ni Jose sa kung ano ang pinapainom sa mga kababaihan upang maiwasan ang pagkakaroon ng rayuma.

Nang makainom na ang dalawa ay pinag-usapan nila ang kanilang nararamdaman para sa isa't isa. May gusto ba talaga si Jose kay Uge?

Panoorin, matawa at kiligin sa January 16 episode sa itaas.