
Mahilig ka ba sa masahe?
Kung oo ang sagot mo, well, look no further kasi baka si Maricel (Eugene Domingo) na ang hinahanap mo!
Si Maricel lang naman number one masseuse ni Sharon (Yasmien Kurdi) na isang sexy telemarketer. Dahil suki ni Maricel si Sharon, naging matalik silang magkaibigan.
Pero meron palang sikreto na magwawasak sa strong bond nila!
Ano ito? Si Bernard (James Blanco), o B for short, ang flavor of the month ni Sharon na asawa pala ni Maricel.
Nang hindi sumipot sa birthday surprise ni Maricel si Bernard, sinabihan na kaagad si Maricel na baka may kabit na ang asawa niya.
Dahil dito, hindi mapigilan ng masseuse na pagdudahan ang kanyang asawa.
Samantala, hindi rin alam ni Bernard ang koneksyon ni Maricel sa kanyang kabit.
Isang araw, sumipot pa siya sa bahay ni Sharon at nakitang nag-uusap ng parang kilalang kilala na nila ang isa't isa!
Malaman kaya nina Sharon at Maricel na in love sila sa iisang lalaki?
Source: Carlo del Prado - Dear Uge Presents
Tunghayan 'yan sa episode na pinamagatang Dear Uge Presents: Masahe is Key (Part 1) kasama sina Eugene Domingo, Yasmien Kurdi, Maey Bautista, James Blanco at Victor Anastacio ngayong Linggo, February 21, sa GMA-7!