
Game na game na dumating sa kanilang Halloween costume si Eugene Domingo, ang bluffers at pati na ang celebrity players sa napanood na special episode ng Celebrity Bluff.
Nitong Sabado, October 31, muling napanood sina Eugene, Jose Manalo, at Boobay sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff. Kasama nilang nakipagkulitan bilang guest bluffer si Boobsie.
Nakakatuwa at nakakakot na tandems ang binuo ng celebrity players para maki-“Fact or Bluff" sa Halloween episode ng Celebrity Bluff.
Ang “headless” na si Betong Sumaya at si “Anabelle Bilbil” Maey Bautista ang unang pares.
Nagkikisigan naman ang zombie at Dracula na sina Kristoffer Martin at Benjamin Alves.
At talagang nakakapanindig-balahibo ang costumes ng teammates na sina Giselle Sanchez at Atak.
Nagkatakutan naman, tuluy-tuloy pa rin ang batuhan ng kaalaman at katatawanan.
Panoorin ang buong video ng October 31 episode sa itaas. Maaari n'yo ring mapanood ito DITO.