
Nag-release ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ng dried flower collection sa Flora Vida By Marian. Nag-post rin ang aktres ng teaser video kung saan tampok ang isa sa mga bulaklak na kabilang sa kaniyang dried blooms.
Full support naman ang veteran Kapuso actress na si Eugene Domingo sa dried flowers ni Marian at nag-avail pa nga siya sa ilan sa mga produkto nito.
Gumawa rin si Eugene ng sarili niyang teaser sa Instagram kung saan ginaya niya si Marian sa kaniyang "Plorabidabida Cleaning Brooms By Uge" video parody.
Naaliw naman si Marian sa ginawang spoof ni Eugene sa kaniya.
LOOK: Marian Rivera and her beautiful dried flower arrangements