What's on TV

Eugene Domingo, hinihingan ng love advice ng netizens

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 4, 2020 7:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Show cause order issued vs vehicle owner, driver in gun toting incident in CDO
Calamities that hit Western Visayas, NegOcc in 2025
Catriona Gray calls for donations for NGO to celebrate her birthday

Article Inside Page


Showbiz News



"Asahan po ninyo sa mga loyal viewers ng Dear Uge, mas palalawakin pa po namin ang aming impluwensiya kasi marami na pong humihingi ng advice sa aming Facebook page." - Eugene Domingo

By CHERRY SUN

Maliban sa magagandang feedback, nakakatanggap din ng mga mensaheng humihingi ng love advice si Eugene Domingo dahil sa pinagbibidahan niyang comedy anthology na Dear Uge.

"Asahan po ninyo sa mga loyal viewers ng Dear Uge, mas palalawakin pa po namin ang aming impluwensiya kasi marami na pong humihingi ng advice sa aming Facebook page. So welcome na welcome po 'yan. You're really a part of the show," pahayag ni Eugene sa panayam ng 24 Oras.

Kuwento rin niya na sa mga personal niyang karanasan siya kumukuha ng maipapayo at maibibigay na aral sa pag-ibig.

READ: "I should allow myself to fall in love" – payong-pag-ibig ni Eugene Domingo sa sarili 

"Marami din naman akong tinatawag na hugot. Higit pa sa hugot, talagang halukay. Kailailaliman, hindi lang halata because I have tried not to be parang conquered by fear," pag-amin ni Uge.

Ano naman kaya ang maipapayo niya sa mga celebrities na hindi kinukumpirma ang kanilang tunay na relationship status?

"Ang advice ko ay para naman sa ating mga fans 'no. Minsan, sa ating mga fans, hindi na natin kailangan paaminin pa ‘yung mga iniidolo natin tulad nina Dennis (Trillo) at ni Jennylyn (Mercado). Kitang kita naman 'di  ba," aniya.

Dear Uge, bukas sa lahat ng istorya ng pag-ibig