GMA Logo Eugene Domingo
Celebrity Life

Eugene Domingo, ikakasal na ba sa Italian partner?

By Jansen Ramos
Published December 21, 2020 10:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Eugene Domingo


Nakatanggap ng mga pagbati si Eugene Domingo na sa kasal karaniwang naririnig gaya ng "Best wishes" at "Congratulations" matapos mag-post ng dalawang copper rings.

Nakatanggap ng wedding greetings ang Dear Uge star na si Eugene Domingo matapos mag-post ng larawan ng dalawang copper rings sa kanyang Instagram account ngayong araw, December 20.

Tila wedding rings ang nasa larawan dahil magkaiba ang sukat at hugis ng mga ito.

A post shared by Ms. EUGENE 🇵🇭🇮🇹💝 (@eugenedomingo_official)

In a relationship ngayon si Uge sa Italian national na si Danilo Bottoni, isang film critic, kaya naman hindi maiwasang makatanggap ng mga pagbati ang aktres na sa kasal karaniwang naririnig gaya ng "best wishes" at "congratulations."

Hindi naman idinetalye ni Uge kung para saan ang mga singsing. Bagkus, nagpasalamat siya sa Blue Fame Handcrafted, ang maker ng locally handcrafted rings.

Usap-usapan na kasal na sina Uge at Danilo ngunit wala paring direktang pag-amin mula sa aktres.

Sa kabila nito, mukha namang happily in love ang dalawa sa isa't isa.

Sa katunayan, makikita sa Instagram account ni Danilo ang mga sweet photo nila ni Uge na kuha mula sa kanilang bakasyon sa loob at labas ng bansa.

A post shared by Danilo (@danilo.b)

A post shared by Danilo (@danilo.b)

A post shared by Danilo (@danilo.b)

A post shared by Danilo (@danilo.b)

A post shared by Danilo (@danilo.b)

Sa isang dating panayam, ibinahagi ni Uge ang kanyang ideal wedding.

"It's very simple, it's very small, it's very fast. Church wedding, yes, sa maliit lang na old chapel," saad niya.