What's on TV

Eugene Domingo, inakit si JC Intal?

By Cherry Sun
Published January 25, 2021 6:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 20, 2025) | GMA Integrated News
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Eugene Domingo and JC Intal


Newly-engaged ang basketball player na si JC Intal nang makilala si Eugene Domingo sa 'Celebrity Bluff.' Balikan ang January 23 episode ng Kapuso comedy game show dito.

Tila pinag-isip ni Eugene Domingo ang basketball player na si JC Intal tungkol sa kanyang engagement nang maglaro ang huli sa Celebrity Bluff.

Eugene Domingo and JC Intal

Nitong Sabado, January 23 muling napanood sina Eugene, Jose Manalo, Boobay, at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Samantala, celebrity siblings naman ang nak-“Fact or Bluff.” Teammates ang basketball bros na sina Kiefer at Thirdy Ravena, magkakampi ang former child stars na sina Antoinette at Tom Taus, at magka-tandem naman sina JC at Rex Intal.

Sa introduction palang ay sinubok na agad ni Eugene si JC.

Sambit ng Celebrity Bluff host, “Ikaw naman, ang bilis mo namang magpa-engage-engage. Hindi mo pa nga ako nakikilala. O ngayong nakita mo na ako, nagsisisi ka ba?”

Tugon naman ni JC, “Napakaganda niyo ma'am.”

Hindi man ikinatuwa ni Eugene ang pagtawag sa kanya ng “ma'am,” kinilig naman ang host nang abutan siya ng tubig ng basketball player. Pero dahil dito ay nagselos si Jose.

Paghamon ng komediyante, “Pag hinamon ba kita ng suntukan lalaban ka?”

Saan kaya hahantong ang tapatan nina Jose at JC? Balikan ang January 23 episode ng Celebrity Bluff sa video sa itaas.