GMA Logo Dear Uge Presents
What's on TV

Eugene Domingo, kinilig sa upcoming episode ng 'Dear Uge Presents'

By Cara Emmeline Garcia
Published February 4, 2021 12:59 PM PHT
Updated February 4, 2021 1:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Letran ends six-game slump vs. Arellano to capture men's volleyball bronze
Thai artist pami evaluates the cost of heartbreak in a relationship with new single 'cry jar'
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Dear Uge Presents


Siguradong kikiligin kayo sa love story ng best friends turned husband and wife sa 'Dear Uge Presents' ngayong Linggo!

Excited na si Eugene Domingo na mapanood ng viewers ng Dear Uge Presents ang upcoming episode nila na “Wife For Hire.”

Dito makakasama ng acclaimed comedienne and actress ang mga nagsisiguwapuhang sina Zoren Legaspi at EA Guzman, pati na ang napakaseksi na si Maureen Larrazabal.

Kaya naman sa exclusive clip ng show, isinaad nina Eugene at Zoren ang mga dapat abangan sa nalalapit na episode ngayong Linggo.

Bitiw ni Zoren, “Ako dito si Joms, 'yung best friend ni Ems na matagal nang nagkahiwalay and then after so many years nagkita ulit.”

Mula sa pahayag ni Zoren, mukhang may magkaka-developan sa karakter nila ni Eugene Domingo.

Dagdag pa ng comedienne, “Ang cute ng story natin.

“'Di ba lahat naman tayo, back in our college days or university days mayroon tayong TOTGA o mga The One That Got Away tapos.... yihee nagkaroon ng second chance!”

Paanyaya ni Eugene, “Masaya talaga dito, abangan n'yo po ang Dear Uge Presents Wife For Hire.”

Panoorin ang cast interview mula sa Dear Uge Presents official Facebook page:

Sa upcoming episode na “Wife For Hire,” mapapanood sina Eugene Domingo at Zoren Legaspi bilang ang magkaibigan na sina Ems at Joms na halos siyam na taon nang hindi nagkikita.

Sa kanilang pagkikita, nanghingi ng pabor si Ems kung maari muna siyang makitira sa bahay ni Joms dahil pinagtataguan niya ang mga nagpautang sa kanya.

Dahil dito, nakaisip ng solusyon si Joms: Tutulungan niyang bayaran ang utang ni Ems sa kondisyon na magpapanggap ito bilang kanyang asawa para maiwasan ang pang-aakit ng kanyang hipag na si Ofelia (Maureen Larrazabal).

At para mas mapaniwala ang lahat, nanghingi pa ng tulong si Joms sa kanyang pinsan na si Pax (EA Guzman) para kuhanan ang kanilang official “wedding” photos.

Tingnan ang magaganap na kuwentuwaan sa gallery na ito: