
Mapapanood na si Eugene Domingo online sa kaniyang official YouTube channel.
Noong January 24, ni-launch ni Eugene ang first episode ng kaniyang vlog na The Eugene Domingo Channel.
Saad ni Eugene, "Hetooo na ang first episode ko!!! Yahoo!!!"
PHOTO SOURCE: YouTube: The Eugene Domingo Channel
Tampok sa first episode sa YouTube channel ni Eugene ay ang mga most searched question tungkol sa award winning actress. Sinagot din ni Eugene ang mga ibinigay na vlog suggestions ng kaniyang fans.
Ani Eugene, "Ginoogle namin lahat ng ginu-google n'yo about me at sinagot ko sa episode na 'to! Nagpa-survey din ako ng mga vlog suggestions n'yo at ito ang reaction ko sa mga sinabi n'yo!"
Sa kaniyang unang episode ay inilahad ni Eugene ang kaniyang pagsisimula sa showbiz, sinagot ang ilang personal questions, mga pelikulang ginawa at marami pang iba.
Panoorin ang mga kuwento ni Eugene sa unang episode sa The Eugene Domingo Channel:
SAMANTALA, NARITO ANG CELEBRITIES NA MAY YOUTUBE CHANNELS: