
Ipinaliwanag ni Eugene Domingo ang kaniyang pananaw sa pagiging ina.
Si Eugene o Uge ay naging guest sa YouTube channel ni Ogie Diaz kasama si Pokwang para magkuwento ng kanilang mga buhay at para i-promote ang kanilang pelikulang Becky and Badette.
RELATED GALLERY: Pokwang at Eugene Domingo, magsasama sa isang exciting na pelikula
Tanong ni Ogie sa award-winning actress, "Uge, paano mo ipagmamalaki ang pagkakaroon ng freedom kahit pa 'yung iba sinasabi maganda sana 'no kung may anak si Uge? Pero hindi, masaya ako sa freedom na tinatamasa ko."
PHOTO SOURCE: @eugenedomingo_official
Sagot ni Eugene kay Ogie, "Sa akin, kanya-kanyang choice na tayo ngayon. Everybody has a choice."
"Pinili ko arugain 'yung sarili ko. Hindi ko naisip na maging ina, pero hindi ko ibig sabihin hindi ko alam paano maging ina," Paliwanag pa ni Eugene.
Ayon pa kay Eugene, nakikita niya sa mga taong malalapit sa kaniya kung papaano maging ina.
"Nakikita ko naman sa 'yo (Pokwang), sa mga kaibigan ko, paano maging ina."
Inilahad ni Eugene na lumalabas naman ng kusa ang pagiging ina.
"Paminsan-minsan nagiging ina rin naman ako sa mga kaibigan, sa mga bakla, sa mga pamangkin ko. Hindi ko lang nailuwal, pero 'yung obligasyon ng babae, natural na lumalabas 'yung pagiging ina. Hindi naman ibig sabihin na hindi ka nagluwal, hindi mo na kayang maging ina. So 'yun lang 'yung masasabi ko sa sarili ko."
Dagdag pa ng aktres, "Hindi man ako nakapagdesisyon, hindi ko man trinabaho na mabuntis at manganak technically tulad ninyo, open ang puso ko sa pagiging ina sa abot ng aking makakaya."
Panoorin ang kaniyang kuwento dito:
Mapapanood sina Eugene at Pokwang sa Becky and Badette sa 49th Metro Manila Film Festival sa darating na December 25.