Sa pakikipag-tsikahan ng Tweetbiz kay Eugene, marami itong revelations tungkol kay Wendell at sa pangarap nitong magka-baby.
Ayon kay Eugene, nabitin daw siya sa unang pagsasama nila ni Wendell sa SRO kaya siya na mismo ang nag-request na maging ka-partner ulit ang aktor sa Jejemom.
Tungkol naman sa role niya bilang Jejemom, aminado ang magaling na komedyana na jejemon siya sa pagte-text at pananamit. Jejemon daw siya sa totoong buhay.
Samantala, nangangarap din si Eugene na magka-baby pero wala daw siyang time for love ngayon. Biro pa niya, ita-try niya raw isingit ito sa lunch break.