What's on TV

Eugene Domingo, nagising sa halik nina David at Anthony Semerad

By Cherry Sun
Published September 1, 2020 3:40 PM PHT
Updated September 1, 2020 4:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DHSUD includes high-density housing as option in 4PH Program
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

117328


Magpatalo kaya si Jose Manalo kung mag-a la prince charming ang Semerad twins kay Eugene Domigo? Balikan ang August 29 episode ng 'Celebrity Bluff' dito:

Hindi lang isa kundi dalawa ang tila naging karibal ni Jose Manalo kay Eugene Domingo sa pagbisita ng twin brothers na sina David at Anthony Semerad sa Celebrity Bluff.

Nitong Sabado, August 29, muling napanood sina Eugene, Jose, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Nakasama nilang maki-'Fact or Bluff' ang celebrity foreignoys. Magkakampi sina Dasuri Choi at Richard Juan, magkagrupo sina Vanessa Matsunaga at Fabio Ide, at teammates ang kambal na sina David at Anthony.

Dahil sa pagkagat sa mansanas sa unang round ng 'Fact or Bluff,' napaidlip kunwari si Eugene. Pero, nagising naman siya dahil sa halik ng kanyang prince charmings, ang Semerad twins.

Magselos kaya si Jose, o kunin na niya ang pagkakataon na mag-propose sa Celebrity Bluff host?

Panoorin ang buong video ng August 29 episode sa itaas.

Ang Celebrity Bluff ay mapapanood na tuwing Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl.