By CHERRY SUN
Tulad ng nangyari sa pilot episode, nag-trend ang #DearUgeKabitbahay, ang ikalawang episode ng kauna-unahang comedy anthology sa Philippine TV na Dear Uge.
READ: Pilot episode ng Dear Uge, nag-trend sa Twitter
Ibinahagi mismo ni Eugene Domingo ang ilan sa mga komentong nagpataba ng kanyang puso.
Aniya, “Thank you for the good feedback and for making us trend again! #dearuge See you next Sunday only on GMA.”
Ang nakaraang episode ay pinagbidahan nina Jaclyn Jose at Glaiza de Castro na parehong gumanap bilang kabit. Napanood naman si Uge dito bilang ang legal wife.