GMA Logo Eugene Domingo
PHOTO SOURCE: TiktoClock/ @itspokwang27
Celebrity Life

Eugene Domingo, nagsilbing Tagalog teacher ng anak ni Pokwang na si Malia

By Maine Aquino
Published July 22, 2023 1:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Eugene Domingo


Eugene Domingo: "Ang batang nagtatagalog at ingles ay nakakatuwa"

Nagkaroon ng masayang bonding sina Eugene Domingo, Pokwang, at ang cute na anak nitong si Malia.

Sa bonding na ito, makikitang nagsu-swimming si Malia at kinukunan naman ito ng kaniyang ninang na si Eugene.

Saad ni Pokwang sa kaniyang post ay Tagalog teacher ng anak ang kaibigan niyang si Eugene, "Hahahahahha ang ganda?? Hindi? Hindi? kaloka si @malia_obrian with her tagalog teacher nang nang Uge 😆"

Dugtong pa ng TiktoClock host, "Maganda na sana ang shot kung di kasama daliri mo nang nang!!! #FutureDyesebel"

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Sagot naman ni Eugene sa comments ay "Ang batang nagtatagalog at ingles ay nakakatuwa."

PHOTO SOURCE: Instagram

Sa nakaraang post ni Pokwang tungkol kay Malia ay nakitang nag-comment si Eugene na magtatagalog lessons sila ng inaanak.

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

PHOTO SOURCE: Instagram

Pagkatapos ng kanilang pagsasama sa "Ten Little Mistresses,” muling magkakasama sina Pokwang at Eugene sa project na may working title na “Becky and Badette.”

SAMANTALA, BALIKAN ANG MOTHER AND DAUGHTER MOMENTS NINA POKWANG AT MALIA: