Article Inside Page
Showbiz News
PEP: Eugene Domingo on being the’highest paid actress’: "Wish ko lang!"
Binisita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press ang taping ng daily kiddie game show ni Eugene Domingo sa GMA-7 na
Wachamakulit: 'Wag Matakot! Makibata! noong Lunes, June 7, sa GMA Network Center.
HIGHEST-PAID ACTRESS? During the press visit of her show ay naitanong ng PEP kay Uge (palayaw ni Eugene) ang balitang lumabas na diumano'y siya na raw ang highest-paid actress ngayon. Mabilis naman itong itinanggi ng comedienne.
"Hindi totoo 'yan! Hindi totoo 'yan. Wish ko lang!" natatawang sabi niya. "Baka kapag pinagsama-sama lahat ng talent fees ko, baka puwede pa, kapag-in-add-add na lahat. Pero hindi yung isahang bagsak."
Nang malaman niyang may ganung isyu sa kanya, ano ang naging reaksiyon niya?
"Ngayong narinig ko, e, hindi nga totoo yun. Alam kong hindi totoo 'yan. Kapag in-add-add nga, pagtatrabahuhan ko araw-araw!" natatawa pa rin niyang sabi.
May nagsabi naman na marami na raw siguro siyang ipon at mayaman na siya.
"Hindi rin," nakangiting sabi ni Uge. "Sa sipag ko ba naman na ito, kapag hindi pa naman ako nakaipon, ewan ko na lang! Hindi naman ako nagsusugal. Wala naman akong drugs!"
Naging malaking hit ang last movie ni Uge na
Here Comes The Bride (with Angelica Panganiban, John "Sweet" Lapus, among others) at kung magtutuluy-tuloy ang maging outcome ng mga susunod niyang pelikula, hindi imposibleng siya ang tanghaling Box-Office Queen next year. Ano ang masasabi niya rito?
"Hindi ko alam ang Box-Office Queen. Basta ang alam ko, ang mga pelikulang ginagawa ko, sinusuwerte, pinapasok," sabi niya.
Kasalukuyan niyang sinu-shoot ang
Mamarazzi, ang 50th Regal anniversary offering ng Regal Films na intended for release in August.
MOVIE WITH SARAH. Sinabi rin ni Uge na isa sa wish niya ay ang makasama naman sa isang movie project si Sarah Geronimo, na siyang itinanghal na Box-Office Queen ng 2009. Kaya biro namin sa kanya, mukhang may plano na siyang yanigin ang box-office record sa pagsasama nilang dalawa?
"Parang gusto ko talaga siyang makasama. Kasi, parang ang charming niya sa screen, e. Alam n'yo ako ngayon, I am not competitive, e. Mas committed ako. Mas nag-e-enjoy ako sa collaboration. Mas gusto ko ang teamup. Yun ang kailangan ng mga pelikula natin. Pagsamahin si ganito, fresh! Pagsamahin si ganito, fresh! Para makatulong ka sa pelikula.
"Parang uso pa ba ngayon na pelikula ni ganito, pelikula ni ganyan? Parang mag-pair tayo nang bongga-bongga. Bukod sa box-office hits, mas iniisip ko yung baka may materyal na mas bongga. Baka puwede kaming mag-ina since pareho naman kaming morena, hindi naman kami mga mestiza," sabi ni Uge.
WORKING WITH KIDS. First time naman para kay Eugene na maging host ng isang kiddie game show gaya nga ng
Wachamakulit, pero napakabilis ng naging sagot niya nang tanungin namin kung nag-e-enjoy ba siya hosting the show, na nakaka-one season na sa ere, kasama ng mga bata
"Sobra, sobra!" bulalas niya.
Paliwanang ni Uge, "Alam n'yo, challenge 'yan, e. Kahit sa pag-arte sa stage or sa pelikula, or kahit saan, dalawa ang pinakamahirap: umarte kasama ng hayop or umarte kasama ng bata. Kasi ang bata, hindi mo puwedeng turuan kung ano ang gusto niyang reaction. Magre-react siya kung ano ang gusto niya. So, ang communication mo sa kanya, always 100 percent sincere. You cannot force them, and not to mention their energy. Nakaka-three episodes kami sa isang araw, tatapatan mo ang energy nila, hindi magwawala. E, ikaw bilang puyat ka, tatapatan mo pa rin. At makikita mo sa kanila na gustung-gusto ng bata ito. Gustung-gustong kumanta, gustung-gustong sumayaw. So, I see to it to give their moments. Ma-highlight ang talent nila."
Kuwento pa ni Uge, kahit hindi na kasama sa programa, kung may gustong gawin ang mga batang kasama niya sa
Wachamakulit ay ina-allow niya.
"Aba, e, kung gustong kumanta, e, di sige. 'Direk [Joyce Bernal], pakantahin natin.' Kung sino ang gustong kumanta, sumayaw, kahit hindi isama sa airing, nandiyang bibigyan ko ng konting passes sa Enchanted Kingdom, konting regalo... Nandiyang nararamdaman mo ang tuwa nila. Ang importante, yung moment na yun."
Proud din si Uge sa pagsasabing wala siyang nakikitang nagta-tantrums sa mga batang kasama niya.
Sa taping na binisita namin ay ang mga Kapuso stars na sina Chynna Ortaleza, Yasmien Kurdi, at Enzo Pineda ang maglalaro sa
Wachamakulit. Pero ayon kay Uge, sa mga susunod na episodes daw ay mas excited siya dahil regular viewers na raw ang makakasama niyang maglaro.
Aniya, "Mas doble ang excitement ko kapag mga regular viewers ang contestant. Kasi, nakikita mo talaga kung sino ang mananalo sa kanila. Kasi, hindi sila guests. Totoong nagko-compete sila sa isa't isa. Parang ganun."--
PEP.ph
Pag-usapan si Eugene Domingo sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!