GMA Logo Eugene Domingo
Source: eugenedomingo_official/IG, kiraycelis/IG
What's on TV

Eugene Domingo, pinaliwanag ang viral video mula sa kasal ni Kiray Celis

By Kristian Eric Javier
Published February 3, 2026 7:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Muffler rule in Davao City questioned; LTO, LGU defend policy
Singapore Airshow kicks off amid supply chain strains, regional demand surge
Marian Rivera's teacup is from a French fashion house

Article Inside Page


Showbiz News

Eugene Domingo


Sa pagbisita ni Eugene Domingo sa 'Fast Talk with Boy Abunda,' ikinuwento niya kung ano nga bang totoong nangyari doon sa viral video na kuha mula sa kasal ni Kiray Celis.

Naging usap-usapan ang video ng beteranang aktres na si Eugene Domingo na kuha noong dumalo siya sa kasal ni Kiray Celis at Stephan Estopia kamakailan. Ayon sa kaniya, ang naturang video ay kuha ng kapwa aktor na si Enchong Dee.

Sa video, makikita si Eugene kasama ng iba pang guest sa kasal. Makikita rin na pasulyap-sulyap siya sa camera, at nginingitian ang kumukuha. Ayon sa aktres, sa comments ng video, marami siyang natanggap nga negatibong komento patungkol sa kanyiang asal at itsura sa event.

Isang post na ibinahagi ni Ms. EUGENE (@eugenedomingo_official)

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, ibinahagi ni Eugene na ang naturang video ay hindi naman dapat i-post.

“Para lang 'yan kay Enchong kasi si Enchong, kasama rin siya doon tapos niloloko ko siya. Kasi kumukuha siya ng mga videos, sabi ko, 'Ako i-video mo, i-video mo 'ko.' E pinost niya. Nagulat na lang ako, viral na ako na kung ano-ano na sinabi na 'yung bash na okay na for the whole year, e. Quotang-quota na,” sabi ng aktres.

BALIKAN ANG STAR-STUDDED GUESTS NG KASAL NINA KIRAY AT STEPHAN SA GALLERY NA ITO:

Sa naturang GMA Afternoon Prime talk show, sinabi ni Eugene na gusto lang niyang magpaliwanag at humingi ng tawad sa mga nag-handa at nagpaganda ng husto para sa kasal.

“Baka malaki 'yung nagastos n'yo, nahirapan kayong huminga, ang taas ng takong n'yo, e 'yung itsura ko, tingnan n'yo naman. Pasensya na at ako 'yung nag-viral,” sabi ng aktres.

Sabi pa ni Eugene, ayaw naman na talaga niyang dumadalo sa mga magagarbo at sosyalan na events. Ngunit dahil kasal iyon ni Kiray, gusto niyang ipagdasal ang couple at maging present sa special event nila.

“At saka ito naman, Kuya Boy, naligo po ako. Mabango at saka mabango 'yung hininga ko. At saka nu'ng sinabi na ipagdasal ang mga bagong kinasal, talagang taimtim akong nagdasal. So I think I did my part and I left early because hindi rin naman ako mahilig sa mga mahaba pang sosyalan,” paliwanag ni Eugene.