GMA Logo eugene domingo
What's Hot

Eugene Domingo reminds public to regularly change password on social media

By Jansen Ramos
Published February 3, 2022 8:09 PM PHT
Updated February 3, 2022 8:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 19, 2025
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

eugene domingo


"Budols play with your 'vulnerable' side. Or 'yung sa'n ka mahina or tanga," babala ng 'Dear Uge' main star na si Eugene Domingo matapos mabiktima ng copyright infringement scam sa Instagram.

Inamin ng Dear Uge main star na si Eugene Domingo na biktima siya ng laganap na scam ngayon sa Instagram tungkol sa copyright violation.

Layunin ng scam na ito na makuha ang private details ng users sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang kinatawan ng Instagram Help Center.

Maaaring mawala ang account ng user sa Instagram kapag ina-accomplish ang form mula sa isang phishing link, bagay na muntik na mangyari sa account ng komedyante.

"I almost lost my IG account. Ang aga-aga nagpabudol ako dito. Mag-ingat sa “copyright infringement” issue na hihingi ng fill out form link at code sa DM. # budolisreal #ingat #sobrangingat," bahagi ni Uge sa kanyang Instagram post noong January 28.

Magpapadala ng mensahe ang scammer, na karaniwang verified ang account, para magbabala tungkol sa mga post sa Instagram na umano ay salungat sa kanilang community guidelines.

Sa mensahe, tatakutin pa ang user na magbigay ng feedback kapag hinala nila na walang katotohanan ang copyright infringement notice. Kung hindi magbibigay ng feedback, permanenteng mabubura umano ang account ng user sa loob ng isa hanggang tatlong araw.

Dahil dito, mapipilitan ang user na sagutan ang copyright appeal form, mula sa isang phishing link, kung saan kailangang punan ang mga personal na information na hinihingi dito tulad ng birthday at, mas malala, ang Instagram password.

Kapag naibigay ang private details ng user, maaari nang mag-log in ang pekeng Instagram rep at baguhin ang password. Sa madaling salita, mawawalan ng access ang original user sa kanyang account.

Ayon sa comments section ng post ni Eugene, nabiktima rin ang kapwa niya komedyante na si Joey Paras ng online scam na ito. Sa kaso ni Joey, hinack ang kanyang account para gamitin sa panloloko, ayon sa kuwento ng kanyang kapwa Kapuso stars na sina Tess Antonio at Boobay.

Nagpasalamat naman si Eugene sa kanyang kaibigan at kapwa komedyante na si Pokwang na rumesponde sa kanya.

Eye-opener para kay Uge ang scam na ito kaya binigyang-diin niya ang kahalagahan ng madalas na pagpapalit ng password para sa seguridad online.

"It is truly helpful to have other ways to authenticate and to CHANGE PW (password) more often! I guess in all accounts & do not trust easily kahit mukhang official or real.

"You have ways to prove. Budols play with your “vulnerable” side. Or 'yung sa'n ka mahina or tanga. There."

Isang post na ibinahagi ni Ms. EUGENE 🇵🇭🇮🇹💝 (@eugenedomingo_official)

Una nang nagbigay ng babala ang aktor na si Tom Rodriguez tungkol sa phishing schemes sa social media.

Sa kanyang karanasan, isang verified Instagram account ang nagpadala sa kanya ng copyright infringement notice.

Samantala, kilalanin ang ilang celebrities na pumalag sa kanilang mga fake social media accounts sa gallery na ito.