What's on TV

Eugene Domingo to Jose Manalo: "Pag na-shoot mo 'to, iki-kiss kita"

By Cherry Sun
Published December 2, 2020 7:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
24 Oras Weekend: (Part 4) December 6, 2025
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Jose Manalo and Eugene Domingo


Hinamon ni Eugene Domingo na maka-shoot sa basketball si Jose. Makamit kaya niya ang halik ni Uge? Panoorin ang November 28 episode ng 'Celebrity Bluff' DITO:

Idinaan nina Eugene Domingo at Jose Manalo ang lambingan sa laro ng basketball nang makasama nila ang basketball players sa Celebrity Bluff.

Jose Manalo and Eugene Domingo

Nitong Sabado, November 28, muling napanood sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Sa ibang laro naman sumalang ang basketball MVPs dahil sila ang naki-“Fact or Bluff.” Magkapares sina Freddie Hubalde at Kevin Ferrer, teammates sina Kenneth Duremdes at Jeron Teng, at magka-tandem naman sina Jerry Condiñera at Roi Sumang.

Maliban sa tagisan ng talino at katatawanan, nagpakitang-gilas din ang mga manlalaro sa basketball kasama si Eugene at ang bluffers.

Hamon ni Uge kay Jose, “Uy, i-shoot mo 'to. Pag na-shoot mo 'to, iki-kiss kita.”

Pansin naman ang excitement ni Jose sa challenge at napa-slam dunk pa! Pumasok nga kaya ang bola at makapuntos kaya siya ng halik?

Panoorin ang buong video ng November 28 episode sa itaas. Maaari n'yo ring mapanood ito DITO.