
Malugod na winelcome ni Eugene Domingo si Frasco Mortiz bilang direktor ng GMA weekly comedy anthology na Dear Uge.
Ang June 27, 2021-episode ng Dear Uge na pinamagatang 'Bash The Basher' ang unang episode na idinirehe ni Frasco. Tampok dito sina Ashely Ortega, Kiray Celis, at Paul Salas.
Nagpost pa ng larawan si Direk Frasco kasama ang mga nabanggit na Kapuso stars. Aniya, "makulit at masayang taping with these guys."
Hirit pa niya sa sumunod niyang post, "Nung Sunday, nag-direct ako ng episode ng show na katapat ng dati kong show tuwing Sunday AT ipapalabas ito ngayong Sunday!"
Maaaring ang tinutukoy ni Frasco ay ang legal drama anthology kung saan nakapag-direk siya ng ilang episodes.
Si Frasco rin ang director ng latest episode ng Dear Uge na pinamagatang 'Kill Joy' na ipapalabas ngayong Linggo, July 18. Pagbibidahan ito nina Valeen Montenegro, Antonio Aquitania, at John Feir.
Reunion ito para kina Frasco at Valeen na nakatrabaho ng direktor sa isang show sa ABS-CBN noon. Nagkasama rin muli ang dalawa sa longest-running comedy gag show sa bansa na Bubble Gang kung saan mainstay si Valeen.
Bukod sa Dear Uge at Bubble Gang, nagsilbi ring direktor si Frasco ng isang episode ng Magpakailanman na umere noong June 19, 2021. Pinamagatan itong 'Kaibigan sa umaga, aswang sa gabi' na pinagbidahan nina Sheryl Cruz at Tina Paner.
Si Frasco ay anak ng batikang direktor af komedyante na si Edgar Mortiz.
Nagsilbing direktor si Frasco sa kabilang istasyon mula 2005 hanggang 2020.
Naging creative consultant din siya ng ilang pelikula sa Star Cinema.