GMA Logo Eula Valdes and Unbreak My Heart cast
Courtesy: GMA Network
What's on TV

Eula Valdes, masayang napabilang sa first-ever collaboration ng GMA at ABS-CBN

By EJ Chua
Published May 25, 2023 10:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pila ka mga turista, ginpili igasaulog sang bag-ong tuig sa isla sang Boracay | One Western Visayas
Electrical issues are top cause of New Year's Eve fires – BFP
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Eula Valdes and Unbreak My Heart cast


Eula Valdes sa #UnbreakMyHeart: “Ngayon ligal na. Feeling ko na-experience ko 'yung both worlds…”

Binubuo ng star-studded cast ang upcoming series na Unbreak My Heart.

Kabilang rito ang veteran actress na si Eula Valdes na mapapanood sa serye bilang nanay ng karakter ni Joshua Garcia.

Sa media conference para sa serye na ginanap ngayong Huwebes, May 25, 2023, ibinahagi ni Eula kung ano ang nararamdaman niya na bahagi siya sa cast na mapapanood sa Unbreak My Heart.

Ayon kay Eula, tila nawala raw ang bigat ng nararamdaman niya noon sa tuwing nagpapaalam siya sa network kung saan siya mayroong proyekto.

Pahayag niya, “Feeling ko is parang, 'pag sa school ka 'yung aabsent ka, ito may permiso na. Parang kunwari matatapos ako sa project sa ABS-CBN, magpapaalam gano'n…. Ngayon legal na. Feeling ko na-experience ko 'yung both worlds. Sobrang nawalan ng bigat… baka magtampo sila 'pag sa kabilang network. Nawala 'yung bigat."

Dagdag pa niya, “Sobrang nagbenefit ang mga artista. Blessed ako, itong lifetime na ito na-experience ko ang collab ng GMA at ABS, at ng Viu.”

Ang serye ay pagbibidahan nina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria.

Bukod kay Eula, kabilang din sa supporting cast sina Laurice Guillen, Sunshine Cruz, Romnick Sarmenta, Victor Neri, Nikki Valdez, Will Ashley, Jeremiah Lisbo, Bianca De Vera, Dionne Monsanto, Maey Bautista, Philip Joshua Endrinal, Mark Rivera, at marami pang iba.

Ipapalabas ang upcoming series sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman sa oras na 11:25 p.m.

Para naman sa advance streaming, maaari itong mapanood sa May 27, 2023, 9:00 p.m. sa GMANETWORK.com, iWantTFC, at Viu.

SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG UNBREAK MY HEART STARS MULA SA KANILANG ITALY TAPING SA GALLERY SA IBABA: