GMA Logo Tadhana Pahiram ng Pasko title card
What's on TV

Eula Valdez, Jenine Desiderio, at Nikki Co tampok sa 'Tadhana: Pahiram ng Pasko'

By Bianca Geli
Published December 17, 2022 12:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana Pahiram ng Pasko title card


Abangan sina Eula Valdez, Jenine Desiderio, at Nikki Co sa kwento ng pagsasakripisyo ng isang pamilya.

Ngayong Sabado, sa Tadhana, isang mag-ina ang malulugmok sa problema matapos magsakripisyo para sa kanilang pamilya.

Sanay sa isang kumportable at marangyang buhay ang Pamilya Perez. Pero magbabago ang lahat nang mabiktima ang kanilang ama sa isang investment scam.

Ang dating donya na si Fatima (Eula Valdez) ay mamamasukan bilang kasambahay habang ang magkapatid na sina David (Nikki Co) at Jennifer (Meg Imperial) ay kakaibang serbisyo ang gagawin kapalit ng malaking pera.

Hindi man tanggap ng kanyang mga anak ay namasukan bilang kasambahay si Fatima kina Corazon. Pero sa halip na guminhawa ay mas lalong gumulo ang Pamilya Perez.

Ang panganay na si Jennifer ay ikakahiya si Fatima habang ang bunsong si David naman ang secret lover na kinababaliwan ni Corazon.

Matuwid pa kaya ang mga lihim at pagkakamali sa Pamilya Perez ngayong Pasko? Matupad pa kaya ang hiling nilang masayang family reunion?

Abangan sina Eula Valdez, Jenine Desiderio, Nikki Co, Meg Imperial, Akihiro Blanco, Rubi Rubi, Boogie Bugayong at TikTok star Bernicular

Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa three-part Christmas special ng Tadhana: Pahiram ng Pasko Part 2, ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube Livestream.