Article Inside Page
Showbiz News
Six years ng boyfriend ni 'Ilustrado' actress Eula Valdez si Rocky Salumbides. May balak na ba silang sumunod sa mga celebrity couples na ikakasal?
By MICHELLE CALIGAN
Six years na ang relasyon ng Ilustrado actress na si Eula Valdez sa kanyang boyfriend na si Rocky Salumbides. Hindi naging hadlang ang pagiging mas bata ni Rocky sa aktres, at kahit malaki ang pagkakaiba ng kanilang personalities ay staying strong ang kanilang relationship.
Ano kaya ang sikreto ng kanilang pagsasama?
"Wala nang pakialaman (laughs). Nasanay na lang. Actually, hindi kami swak na swak sa ugali. Nasanay na lang siguro. At saka importante yata na tanggapin mo talaga kung ano ang ugali ng partner mo, at huwag mong i-try baguhin kasi matatalo't matatalo ka," pahayag ni Eula nang makapanayam ng entertainment press sa press conference ng BayaniSeryeng Ilustrado.
Dagdag pa niya, "Hintayin mo na lang siya na magbago nang kusa. Pero 'yung ikaw, pipilitin mo, maghanap ka na lang ng iba."
Maraming celebrity weddings ang magaganap soon. May balak ba silang sumunod?
"Hindi siguro. Hindi ko sinasabing tapos, pero sa ngayon, hindi. Wala sa isip ko 'yun."
Abangan si Eula Valdez sa Ilustrado, weeknights pagkatapos ng Hiram na Alaala, sa GMA Telebabad.