GMA Logo Amazing Earth
What's on TV

Euwenn Aleta at Lolo Ite, may bonding sa 'Amazing Earth'

By Maine Aquino
Published December 18, 2023 5:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Amazing Earth


Panoorin sina Euwenn Aleta at Lolo Ite sa kanilang Best Christmas Ever bonding sa 'Amazing Earth'

Isang pagbisita kay Lolo Ite ang napanood sa Best Christmas Ever segment ng Amazing Earth noong December 15.

Sa episode na ito, ang child actor sa pelikulang Firefly na si Euwenn Aleta ang nagbahagi ng Pamasko mula sa Amazing Earth sa oldest Pinoy tour guide na si Lolo Ite. Ang 102 years old na si Lolo Ite ay naninirahan sa Tanay, Rizal at dito siya binisita ni Euwenn.

Tampok sa episode na ito ang masayang kuwentuhan nina Lolo Ite at Euwenn. Nagbahagi ng mga karanasan at aral si Lolo Ite sa batang aktor.

Tampok rin sa episode ng Amazing Earth ang kuwento ni Dingdong Dantes tungkol sa Pinoy vloggers na sina Jomar Perez and Richard Diongson. Sila ay ang mga nag-tour sa Santa Claus Holiday Village at sa North Pole, Alaska, and Lapland, Finland.

Abangan ang iba pang amazing na mga kuwento at adventures sa Amazing Earth tuwing Biyernes, 9:35 pm sa GMA Network.

Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.