GMA Logo Raphael Landicho and Euwenn Mikael
What's on TV

Euwenn Mikaell at Raphael Landicho, bibida sa bagong episodes ng 'Regal Studio Presents'

By Marah Ruiz
Published April 4, 2024 3:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David urges Catholics to pray for peace in Middle East on Maundy Thursday
Visitors in Boracay remember Holy Week traditions
Daig Kayo Ng Lola Ko: Witchikels (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Raphael Landicho and Euwenn Mikael


May kanya-kanyang episodes na pagbibidahan ang Kapuso child stars na sina Euwenn Mikaell at Raphael Landicho sa bagong season ng 'Regal Studio Presents.'

Dalawang much-loved Kapuso child stars ang bibida sa bagong season ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.

For the first time, tampok sina Metro Manila Film Festival 2024 Best Child Performer and Firelfy star Euwenn Mikaell at Voltes V: Legacy and My Guardian Angel star Raphael Landicho sa kani-kanilang episodes.

Unang mapapanood si Euwenn sa episode na "My Daddy Chef."

Gaganap siya rito bilang isang batang lumaki na hindi kapiling ang kanyang ama.

Kasama ni Euwenn sa episode ang top content creator na si Ninong Ry na gaganap naman bilang tatay niyang bagong laya matapos makulong ng anim na taon.

Abangan ang touching father and son episode nina Euwenn at Ninong Ry na "My Daddy Chef" sa April 7.

Hindi rin dapat palampasin ang natatanging pagganap ni Raphael sa upcoming episode na "My Best Kuya."

Ang episode na ito ang reunion niya sa kanyang Voltes V: Legacy co-star na si Radson Flores.

Gaganap sila rito bilang half-siblings na magkakakilala for the first time matapos mamatay ng kanilang nanay.

Abangan ang ipapamalas na galing ng Kapuso child stars na sina Euwenn Mikaell at Raphael Landicho sa brand-new season ng Regal Studio Presents, every Sunday, 4:15 p.m. sa GMA.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.