
Si Kapuso child star Euwenn Mikaell ang bibida sa bagong episode ng Magpakailanman.
Pinamagatang "My Son's Birthday Wish," kuwento ito ng isang batang dog lover.
Gaganap dito si Euwenn blang Santi, habang si Rochelle Pangilinan naman ang nanay niyang si Erlie.
Matagal nang humihiling ng alagang aso si Santi kay Erlie.
Pangako naman ni Erlie na bibigyan niya ng aso ang anak bilang birthday gift sa pagbalik niya mula sa pagtatrabaho sa Maynila.
Pero bago pa man makauwi si Erlie, makakagat ng asong may rabies si Santi.
Magkakaroon siya ng mataas na lagnat, hindi mapakali, magkakaroon ng takot sa tubig, at magiging agresibo.
Makaligtas kaya si Santi mula sa mapanganib na rabies infection?
Bukod kina Euwenn at Rochelle, bahagi din ng episode sina Rita Avila, Arnold Reyes, at Jeniffer Maravilla.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand-new episode na "My Son's Birthday Wish," November 15, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.