GMA Logo Euwenn Mikaell
What's Hot

Euwenn Mikaell, excited na sa first TV lead role sa GMA series na 'Forever Young'

By Aimee Anoc
Published February 12, 2024 1:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu
NCAA: San Beda escapes Benilde in thriller, punches ticket to rivalry finals vs. Letran
XG's Cocona undergoes top surgery, comes out as AFAB transmasculine non-binary

Article Inside Page


Showbiz News

Euwenn Mikaell


Euwenn Mikaell sa first series sa GMA: "Excited na excited ako kasi binigyan ako ng ganito kalaking project ng GMA kaya nagpapasalamat ako sa kanila."

Excited na ang award-winning child actor na si Euwenn Mikaell sa kaniyang kauna-unahang TV lead role sa bagong inspirational drama series ng GMA, ang Forever Young.

Sa naganap na story conference at script reading ng Forever Young kamakailan, ibinahagi ni Euwenn ang excitement at pasasalamat sa proyektong ibinigay sa kaniya ng Kapuso Network.

"Excited na excited ako kasi binigyan ako ng ganito kalaking project ng GMA kaya nagpapasalamat ako sa kanila," sabi ng 11 taong gulang na batang aktor.

Ikinuwento rin ni Euwenn na nagkaroon na siya ng familiarity workshop kasama ang mga gaganap niyang magulang sa serye na sina Nadine Samonte at Alfred Vargas.

"Matagal ko na po silang nakausap. Nu'ng workshop po kasi nag-usap-usap po kami. Ang mga pinag-usapan namin ay 'yung role namin," pagbabahagi ni Euwenn kay Lhar Santiago ng 24 Oras.

Ngayong Lunes, February 12, magsisimula na sa taping ng Forever Young. Bukod kina Nadine at Alfred, makakasama rin ni Euwenn sa serye sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, Lucho Ayala, at Anjo Damiles.

Tampok sa Forever Young ang pambihirang kuwento ni Rambo (Euwenn), 25-year-old na na-trap sa katawan ng isang 10-year-old dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism kung saan naapektuhan ang paglaki nito.

Ang Forever Young ay sasailalim sa direksyon nina Gil Tejada Jr. at Rechie Del Carmen.

Abangan ang Forever Young, soon sa GMA Afternoon Prime.

Panoorin ang buong interview ni Euwenn Mikaell sa 24 Oras tungkol sa upcoming series na Forever Young dito: