GMA Logo Euwenn Mikaell
Photo by: Michael Paunlagui
What's on TV

Euwenn Mikaell, makatatanggap ng Gintong Kabataan Awards mula sa pamahalaang panlalawigan ng Bulacan

By Aimee Anoc
Published November 6, 2024 12:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Euwenn Mikaell


Congratulations, Euwenn Mikaell!

Makatatanggap ng pagkilala ang award-winning Kapuso child actor na si Euwenn Mikaell mula sa pamahalaang panlalawigan ng Bulacan. Ang 11-year-old actor ay tubong Meycauayan, Bulacan.

Noong Martes (November 5), proud na ibinahagi ng Forever Young star sa Instagram ang imbitasyong natanggap mula sa nasabing probinsya.

Kabilang si Euwenn sa mga kikilalanin sa 2024 Gintong Kabataan Awards mula sa Tanggapan ng Pagpapaunlad ng Kabataan at Isports (PYSDO) ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan, na magaganap sa November 15 sa Lungsod ng Malolos, Bulacan.

Makatatanggap si Euwenn ng plaque ng pagkilala bilang GKA--Special Citation. Base sa imbitasyon, ang GKA ay "ang natatanging parangal sa mga kabataang Bulakenyo na nagpamalas ng natatanging husay at galing sa iba't ibang larangan."

A post shared by Euwenn Mikaell (@euwenn_mikaell)

Samantala, kasalukuyang nagbibigay inspirasyon si Euwenn Mikaell bilang Rambo Agapito sa GMA afternoon series na Forever Young, ang kanyang kauna-unahang TV lead role.

Congratulations, Euwenn Mikaell!

MAS KILALANIN SI EUWENN MIKAELL SA GALLERY NA ITO: