
May nakakatuwang parusa para sa mga chismosa ang child actor na si Euwenn Mikael.
Panauhin sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, October 17 ang mga bida ng upcoming Afternoon Prime series na Forever Young ang mga bida nitong sina Euwenn Mikael, Althea Ablan, at Princess Aliyah.
At dahil gagampanan ni Euwenn ang role ni Mayor Rambo Agapito sa serye, tinanong ng King of Talk na si Boy Abunda sina Althea at Princess kung may tanong ba sila dito.
Ani Princess, “Tingin mo ba dapat natin ipakulong 'yung mga chismosa?”
Sagot ni Euwenn, “Talaga, kailangan. Pero parang four hours lang. Kasi nga parang hindi naman ganu'n kabigat.”
Pinayuhan rin ng Batang Mayor ang mga chismosa na “mind your own business” dahil maraming tao umano ang nagagalit kapag chinichismis sila.
Napapanahon naman ang tanong ni Althea Ablan, lalo na't panahon na ng midterm elections, na kung sang-ayon ba si Mayor Rambo sa pagtakbo ng mga artista sa pulitika.
“Siyempre naman po, agree ako kasi kapag hindi tumakbo, parang bawal, kapag ganu'n parang hindi naman kami tao,” sagot niya.
Sinang-ayunan rin niya ang sinabi ng host na si Boy Abunda na may karapatan din ang mga artista bilang mga mamamayan din sila.
Pagpapatuloy pa ni Mayor Rambo, “Kahit artista po kami, minsan po sinasabi ng mga tao na bawal dapat ang artista kasi madaming fans. E pano 'yung gusto lang talaga nila? Tao lang din naman sila, guys.”
BALIKAN ANG INAUGURAL MEDIA CONFERENCE NG 'FOREVER YOUNG' SA GALLERY NA ITO: