GMA Logo Forever Young star Euwenn Mikaell
What's on TV

Euwenn Mikaell, nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa 'Forever Young'

By Aimee Anoc
Published February 24, 2025 1:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

CEO of Prince Harry and Meghan’s charitable arm to step down
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Forever Young star Euwenn Mikaell


Congratulations, Euwenn Mikaell!

Nagpapasalamat ang award-winning Kapuso child actor na si Euwenn Mikaell para sa lahat ng sumuporta sa kanyang kauna-unahang TV lead role sa katatapos lamang na GMA Afternoon Prime series na Forever Young, kung saan nagbigay inspirasyon siya bilang Rambo Agapito.

Sa pagtatapos ng Forever Young noong Biyernes (February 21), naglaan ng oras si Euwenn para pasalamatan ang kanyang fans, maging ang mga artista at crew na nakasama sa serye.

"Maraming maraming salamat po sa lahat ng sumuporta mula umpisa hanggang huli," sulat niya sa Instagram.

A post shared by Euwenn Mikaell (@euwenn_mikaell)

Nagpasalamat din ang batang aktor sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Kapuso Network at Sparkle, na magagawa nito ang pinagbidahang karakter.

"Sa lahat ng nanood at sumama sa lakbayin ni Rambo mula umpisa hanggang dulo maraming maraming salamat po!

"Kapitan/Mayor Rambo Agapito signing off," pagtatapos niya.

Nakatrabaho ni Euwenn sa Forever Young ang mahuhusay na aktor na sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte, James Blanco, Chanda Romero, Matt Lozano, Lucho Ayala, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, at Abdul Raman.

SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA NANGYARI SA FINALE NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: