
Hindi naiwasang matakot ng award-winning Kapuso child actor na si Euwenn Mikaell nang una niyang makasama sa workshop ang beteranang aktres na si Eula Valdes para sa afternoon series na Forever Young.
Kuwento ni Euwenn sa Update with Nelson Canlas, inilarawan niya si Eula na "nakakatakot" noong workshop pa lamang nila sa Forever Young.
"Dati po dini-describe ko siya na nakakatakot nu'ng workshop pa lang. Tapos nu'ng narinig n'ya ako, 'Anong nakakatakot?'" sabi ng 11-year-old actor.
Pero, ani Euwenn, nagbago ang kanyang impresyon nang mas nakilala niya si Eula. Sabi niya, "Nakakatawa po siya, cool."
Bukod kay Eula, inilarawan din ni Euwenn ang beteranong aktor na si Michael De Mesa.
"Si Tito Michael, nakakatawa po siya, nagpapatawa. Talkative katulad ko. Nag-uusap lang po kami. Doon po nanggaling 'yung [octopus] flashy na ibinigay niya sa akin kasi nag-uusap lang po talaga kami."
Dagdag pa ni Euwenn, kakulitan niya rin sa set sina Eula at Michael, maging ang iba pang cast na sina James Blanco at Bryce Eusebio.
Sa Forever Young, napapanood si Euwenn bilang Rambo Agapito, habang gumaganap naman sina Eula at Michael bilang Esmeralda at Eduardo.
Abangan ang Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Pakinggan ang buong interview ni Euwenn Mikaell sa Update with Nelson Canlas dito:
MAS KILALANIN SI EUWENN MIKAELL SA GALLERY NA ITO: