GMA Logo Euwenn Mikaell
What's on TV

Euwenn Mikaell, pinagdasal na magkaroon ng magandang proyekto

By Kristian Eric Javier
Published October 18, 2024 10:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Discussion: Filipino students are ready to lead—but why are they leaving?
Dead dog used to get donations? Advocates sound the alarm
Frozen saging na may iba't ibang flavors, patok na negosyong ngayong tag-init! | Pera Paraan

Article Inside Page


Showbiz News

Euwenn Mikaell


Pagkatapos ng kaniyang MMFF movie, pinagdasal ni Euwenn Mikaell na magkaroon muli ng magandang proyekto.

Matapos mapabilang sa Best Picture film na Firefly at manalo bilang Best Child Performer sa 2023 Metro Manila Film Festival, bibida na naman ang child actor na si Euwenn Mikaell sa Afternoon Prime series na Forever Young. At ayon sa young actor ay pinagdasal niya magkaroon ng magandang proyekto.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, October 17, ay nakapanayam ng King of Talk na si Boy Abunda ang mga bida ng bagong Afternoon Prime series na sina Euwenn Mikael, Althea Ablan, at Princess Aliyah.

Dito ay kinumusta ni Boy Abunda si Euwenn at tinanong kung pinagdasal ba niya ang bagong proyekto niyang ito.

“Iba po kasi 'yung sinabi ko. Sinabi ko, 'Gusto ko po ng project na maganda' pero hindi po teleserye mismo, hindi po specifically,” sabi ni Euwenn.

Tinanong din ni Boy si Mikael kung ano ang naging pakiramdam nito sa pagkapanalo niya bilang Best Child Performer sa 2023 Manila Film Fest Festival para sa pelikula nilang Firefly, sinabi ng child actor na masaya siya sa pagkapanalo niyang 'yun.

“Kasi kaya ko po nakuha 'yung title na 'yun dahil ginalingan ko po talaga sa mga ginagawa ko pong projects,” paliwanag niya.

Samantala, dahil napag-usapan nila ang pag-ibig, tinanong din ni Boy ang batang aktor kung ano ang pananaw niya tungkol dito sa tunay na buhay.

Ang sagot ni Euwenn, “Kung si Euwenn, ang sagot ko diyan po ay love is a great thing for other people but sometimes, it can lead to bad things.”

Tila napansin naman ng batikang host na malalim ang pinaghugutan ni Euwann kaya tinanong niya ito, “Parang may hugot ka? Is that coming from experience? It's coming from where?”

Sagot ni Euwenn, “I just do my research.”

Karugtong nito ay sinabi rin ni Boy na off-air ay binanggit nina Althea at Princess na ayaw pa muna magkaroon ni Euwenn ng girldfriend.

Nang tanungin ng King of Talk kung bakit, ang sagot ng young actor, “Kasi gusto ko munang unahin 'yung pamilya ko, kasi meron naman akong pamilya, gusto ko silang tulungan muna kasi kapag nagkaroon ako ng girlfriend, 'yung time ko [sa pamilya, mababawasan], atsaka baka magkaroon ako ng broken heart.”

MAS KILALANIN PA ANG AWARD-WINNING CHILD STAR NA SI EUWENN SA GALLERY NA ITO: