GMA Logo eva le queen
Source: eva_lequeen/IG
Celebrity Life

Eva Le Queen, inspired ng villains ang drag name

By Kristian Eric Javier
Published September 18, 2024 4:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH has two-month supply of oil — BOC
Cebu makes a special appearance in K-drama 'Boyfriend on Demand'
Witness IDs suspect in killing of brgy chief in Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News

eva le queen


Alamin kung saan hinango ni Eva Le Queen ang kaniyang drag name.

Isa sa mga pinakakilalang personalidad sa drag scene ang drag queen na si Eva Le Queen. Bukod kasi sa pag-compete niya sa Drag Race Philippines, napili rin siyang lumahok sa global competition na RuPaul's Drag Race Global All Stars. At ang pangalan niyang kilala nga ngayon ng lahat, hango umano sa isang kontrabidang hinahagaan niya.

Sa Updated with Nelson Canlas podcast, ikinuwento ni Eva kung saan nanggaling ang pangalan niya bilang isang drag queen. Aniya, hango ito sa Disney character na Evil Queen mula sa Snow White.

Dagdag pa ni Eva, naisip niya ang kaniyang pangalan dahil ito ang personality na gusto niyang i-portray bilang isang drag queen.

“Parang eight years ago, nung magda-drag pa lang ako, ang sabi kasi sa 'kin, ang drag queen, dapat ibang personality siya sa kung sino ka as a person,” sabi niya.

Inalala rin ni Eva ang payo sa kaniya ng nagturo at nag-lead sa kaniya sa drag, “Mas madali para sa 'yo to be in drag if you will come up with a persona, and entity that's separate from who who you are and 'yung taong 'yun will embody lahat ng creative juices na nasa utak mo na gusto mo.”

BALIKAN ANG ILAN SA MGA REGAL LOOKS NI EVA LE QUEEN SA GALLERY NA ITO:

Inahalintulad rin ng drag queen ang paggawa niya sa kaniyang drag persona bilang isang alter ego, at paggawa ng sarili niyang super villain. Dito ay inamin ni Eva na malaking fan siya ng villains sa mga kuwento.

“Halimbawa sa Darna, Black Darna ako e, parang feeling ko kasi, 'yung mga villains, there were the princesses that were never saved. They're very human, the reason kung bakit sila galit, laging galit, lagi silang naghihiganti, kasi nasaktan din sila and they're very human that's why ako, team villain ako e, palagi,” sabi ng drag queen.

Dagdag pa niya ay mas nakaka-relate siya sa mga kuwento ng villains kaya pakiramdam niya ay mas naibubuhos niya ang kaniyang creativity sa kanila.

“So 'yung Eva Le Queen, Evil Queen, 'yun talaga 'yung wordplay niya,” sabi ni Eva.

Pakinggan ang buong panayam kay Eva dito: