
Aminado ang drag queen na si Eva Le Queen na marami siyang natatanggap na negative comments at pamba-bash mula sa mga tao dahil sa kaniyang ginagawa. Aniya, isang paraan para harapin niya ang mga ganito ay mag-focus lang sa mga taong nagmamahal sa kaniya.
Sa latest episode ng Updated with Nelson Canlas podcast, sinabi ni Eva masasakit talaga ang negative comments na natatanggap niya mula sa netizens. Kuwento pa niya, ginagamit rin ng iba ang kaniyang best friend at kapwa drag queen na si Marina Summers laban sa kaniya.
“Sinasabi nila, 'Hindi ka naman magaling.' Kasi best friends kami ni Marina, e, and then people, gagamitin nila si Marina against me na parang 'Kapit na kapit ka lang, palibhasa mas sikat sa'yo 'yung kapatid mo,'” pag-alala ni Eva.
Pagpapatuloy pa ng drag queen, “Alam nila kung ano 'yung masakit, e, 'yun 'yung ginagamit nila.”
BALIKAN ANG BEST REACTIONS NG CELEBRITIES SA KANILANG BASHERS SA GALLERY NA ITO:
Dito, ibinahagi ni Eva na sa tingin niya ay hindi masaya sa kani-kanilang buhay ang mga netizens na nag-iiwan ng mga ganoong komento. Aniya, wala namang happy, successful, at content na tao ang magsasabi o mag-iisip sabihin ang mga ganu'ng comments online.
“So parang with that said, kung ano man 'yung sabihin nila, it was never about me,” sabi ni Eva.
“Kung masaya ka talaga sa buhay, you see things in a different light. I woud say that I'm a happy person, that I'm a very happy person, and I have met many amazing people in my life. Marami na'kong mga nakilala talaga na mababait sila e,” pagpapatuloy ng drag queen.
“I don't have to lift a finger, kayo na 'yung sarili niyong karma. Bahala na ang karma sa inyo, you guys are already living in your own bubble. Whatever you say is never about me,” ani Eva.
Sa ngayon, mas pagtutuunan na lang umano ng pansin ng drag queen ang sarili niyang buhay.
“I have the rest of my life to worry about and pinaghuhugutan ko talaga 'yung mga fans, Kuya Nelson. Iniipon ko lahat ng mga letters sa 'kin ng mga fans. Kahit nung nag-compete ako sa global, dala-dala ko 'yan, mga letter ng fans,” Kuwento ni Eva.
Paliwanag niya, “'Cause I need to focus on the good and remind myself na may mga taong nanonood na na-i-inspire sa'yo. 'Wag mo nang dumihan 'yung mga kamay mo, 'wag mo nang patulan. Focus on the people that love you.”
Pakinggan ang buong panayam kay Eva dito: