GMA Logo Eva Le Queen
Source: eva_lequeen/IG
Celebrity Life

Eva Le Queen, pressured nang sumalang sa global drag competition

By Kristian Eric Javier
Published September 19, 2024 6:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran protests abate after deadly crackdown, Trump says Tehran calls off mass hangings
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Eva Le Queen


Alamin kung ano ang naging journey at preparation ni Eva La Queen papunta sa global drag competition.

“Malala 'yung pressure.”

Ganiyan inilarawan ng drag queen na si Eva Le Queen ang pagsalang niya sa global competition na RuPaul's Drag Race Global All Stars. Inihalintulad pa niya ang pagkakapili sa kaniya bilang isa sa mga contestant bilang “Catriona Gray, Pia Wurtzbach moment.”

Sa latest episode ng Updated with Nelson Canlas podcast, sinabi ni Eva na larger-than-life ang naging journey niya mula sa Drag Race Philippines hanggang sa nasabing international competition.

“Parang whenever I look back, parang it's so larger than life. Imagine Kuya Nelson, three years ago nu'ng kabubukas-bukas lang ng pandemic, sa mga Facebook live lang kami, sa mga Kumu, sa mga virtual lang kami nagshu-show,” kuwento ni Eva.

Aniya, wala namang nakakaalam noon ng tungkol sa drag kundi ang mga pumupunta lang sa mga LGBT clubs.

“And then in a snap of a finger, Drag Race, Drag Race Philippines. Kahit nu'ng Drag Race Philippines, hindi namin in-expect na tatangkilikin siya ng tao e. And then now, may panibago nanamang milestone, which is global,” sabi ni Eva.

Nakaramdam man siya ng matinding pressure sa unang sabak niya sa global drag competition, naging malaking tulong naman ang kaniyang best friend at kapwa drag queen na si Marina Summers. Bukod kasi sa nauna na itong sumubak sa global drag scene, ay nagbigay pa siya ng tips at advice kay Eva.

“Mga unang advice sa'kin ni Marina is 'Trust that you are good enough.' Dali kasing ma-pressure e, ako 'yung sumunod din sa kaniya e, na parang walang puwedeng mangyari that can stop you from enjoying the experience and living your life to the fullest,” sabi ni Eva.

Pag-alala pa ni Eva sa payo ni Marina, “Ito na 'yun, ito na 'yung rurok. Do not let the fear or the anxiety take the experience from you. You are enough, you are good enough, ikaw ang pinili para dito. Own it.”

BALIKAN ANG AMAZING DRAG JOURNEY NI MARINA SUMMERS SA GALLERY NA ITO:

Inamin din ni Eva na nagkaroon din siya noon ng mga anxiety at panic attacks, at ang takot na baka ma-disappoint niya ang mga taong may tiwala sa kaniya. Nang tanungin ang drag queen kung paano nilalabanan ang mga iyon, ang sagot niya, “I would say 50 percent hard work, 50 percent faith.”

“Ako, I know that I have prepared everything. Meron akong hashtag, #nostonesunturned. During na nagpe-prepare kami, lahat ng pwedeng gawin at the exact moment na kailangan gawin, bawat segundo na humihinga ako is about Global All Stars,” paliwanag ni Eva.

“I know and I knew that I've done everything that needs to be done in preparation. And then nu'ng nandu'n na'ko, the rest is faith. The rest is faith na parang kung para sa'yo, para sa'yo. I had faith in the team that I built and in myself,” pagpapatuloy ng drag queen.

Sa huli, sinabi ni Eva, “There's nothing else that I could've done differently. Ito na siya, so enjoy the journey, live in the moment.”

Pakinggan ang buong panayam kay Eva rito: