GMA Logo Seo Yea-ji
What's Hot

Eve: Nagsampa na ng kaso si La-el laban kina Connor, Silvia, at Pablo Han!

By Abbygael Hilario
Published June 6, 2023 7:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire hits residential area in Caloocan City
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Seo Yea-ji


Babawiin na ni La-el (Seo Yea-ji) ang LY Group!

Tuluyan nang nagsampa ng reklamong criminal charges si La-el (Seo Yea-ji) laban kina Connor (Park Byung-un) Silvia (Yoo Sun), at Pablo Han (Jeon Gook-hwan).

Haharap silang tatlo sa kasong murder dahil sa ginawa nilang pagpatay sa mga magulang ni La-el.

Sa muling paghaharap nina Connor at La-el sa korte ay nagkaroon ng matinding emosyon sa pagitan ng dalawang dating magkasintahan.

Binanggit ni Connor na handa siyang harapin ang kaso at ibigay ang mga gusto ni La-el.

Unti-unti namang nawawala sa sarili si Silvia dahil sa kanyang galit kay La-el.

Samantala, sa #EveSuffer episode mamaya, mapapanood ni La-el ang isang video kung saan makikita ang paghihirap ng kanyang ina.

Isasakripisyo naman ni Connor ang lahat para itama ang kanyang mga nagawang pagkakamali.

Malalaman na rin ni La-el na si Silvia ang utak sa pagpatay sa kanyang magulang.

Oras na ba para pagbayaran nina Silvia at Connor ang kanilang mga kasalanan?

Ano kaya pa kaya ang ibang plano ni La-el?

Alamin sa huling apat na gabi ng Eve, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m., at Biyernes, 10:35 p.m., sa GMA Telebabad.

KILALANIN ANG CAST NG KOREAN MELODRAMA SERIES NA 'EVE' SA GALLERY NA ITO: