GMA Logo Allen Ansay and Sofia Pablo
What's Hot

Sofia Pablo at Allen Ansay, masaya sa mainit na pagtanggap ng mga taga-Candoni, Negros Occidental

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 15, 2025 4:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCG: Zero tolerance policy, sanctions vs indiscriminate firing amid New Year revelry
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Ansay and Sofia Pablo


Overwhelmed ang 'Prinsesa Ng City Jail' stars na sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa mainit na suporta ng mga taga-Candoni, Negros Occidental nang mag-perform sila para sa Dinagyaw sa Tablas festival.

Masaya sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga Kapuso sa Candoni, Negros Occidental sa kanilang pagbisita para sa Dinagyaw sa Tablas festival.

Hiyawan at palakpakan ang salubong kina Sofia at Allen nang mag-perform sila kasama sina Radson Flores at Pepita Curtis.

"Talagang nakaka-overwhelm kasi 'yung pagtanggap nila sa amin, talagang sobrang sarap sa puso," saad ni Allen.

Dagdag ni Sofia, "Sobrang saya kasi ang taas ng energy, and iba kasi mag-perform kapag nakikita mo nagiging masaya 'yung mga tao."

Panoorin ang buong report ng 24 Oras:

Kasalukuyang bumibida sina Sofia, Allen, at Radson sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail.

Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: Sofia Pablo and Allen Ansay's photos that show their special relationship