IN PHOTOS: DZBB news anchors, personalities rumampa rin sa GMA Thanksgiving Gala

Breaktime muna sa hard news ang dzBB radio personalities para dumalo sa kauna-unahang GMA Thanksgiving Gala sa Shangri-La The Fort noong Sabado, July 30, 2022.
Suot ang kani-kanilang pangmalakasang black suit at dress, kanya-kanyang rampa ang ating paboriting radio personalities sa red carpet.
Talaga namang sinulit ng award-winning anchors ng Super Radyo ang gabi para makihalubilo sa mga artista at mga katrabaho sa industriya.
Ang ilan pa nga ay hindi napigilang makipag-selfie sa mga artista ng Kapuso network.
Tingnan ang mga larawan ng dzBB anchors sa 2022 GMA Gala Night.















