What went down on the 2nd night of 'JulieXStell: Ang Ating Tinig' concert

Matapos ang successful first night ng kanilang "Ang Ating Tinig" concert, muling ipinamalas nina Julie Anne San Jose at SB19's Stell ang kanilang husay bilang performers sa ikalawang araw ng kanilang concert noong Linggo, July 28, sa New Frontier Theater.
Ipinarating nina Julie Anne San Jose at Stell ang kanilang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanilang kauna-unahang concert together kung saan sold-out ang kanilang dalawang araw na shows.
Sa ikalawang araw, tagos-pusong rendisyon ng ilang R&B at hugot songs ang naging playlist nina Julie at Stell. Nakasama rin nilang mag-perform sa stage ang special guests na sina SB19 member Josh at OPM icon Gary Valenciano.
Narito ang mga naganap sa ikalawang araw ng "Ang Ating Tinig" concert nina Julie at Stell:






















