David Licauco at 'Samahan ng mga Makasalanan' stars, naka-bonding ang fans sa kanilang cinema visit

Marami ang nag-abang para masilayan ang Reverend Sam ng Samahan ng mga Makasalanan na si David Licauco.
Noong Sabado, April 12, ginanap ang cinema visits ni David kasama ang kaniyang co-actors sa pelikulang Samahan ng mga Makasalanan. Naka-bonding ng mga fans ang Pambansang Ginoo kasama sina Betong Sumaya, David Shouder, Jade Tecson, Tito Abdul, at Tito Marsy.
PHOTO SOURCE: GMA Pictures
Bago ang release ng Samahan ng mga Makasalanan sa April 19. Nag-ikot muna sa iba't ibang mga sinehan ang cast sa iba't ibang malls tulad ng SM North Edsa, SM Mega Mall, at SM Mall of Asia.
Nakilala rin ng cast ang mga maaagang bumili ng tickets ng Samahan ng mga Makasalanan. Saad pa ng GMA Pictures, "SUMAKSES SA PAGBEBENTA NG TICKETS ANG MGA MAKASALANAN!"
Makisali na sa samahan na manonood ng Samahan ng mga Makasalanan simula April 19 in cinemas nationwide. Ang Samahan ng mga Makasalanan ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Benedict Mique at isinulat nina Aya Anunciacion at Benedict Mique.






