
Special guests sa gaganaping Triplets concert ang JEYA boys mula Meant To Be. Magkakasama muli sina Manilyn Reynes, Tina Panner, Sheryl Cruz at ang co-stars nilang sina Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner at Addy Raj this September 9 sa Music Museum.
Ani Ken, "Hindi talaga kami nagdalawang-isip talaga. After Meant To Be, parang ito na lang ulit 'yung project na magsasama ulit kaming JEYA boys with Ms. Manilyn Reynes, Tina Panner, and Sheryl Cruz."
Dagdag naman ni Addy, "Like he said, parang reunion."
Nagkuwento naman ang tatlong main performers tungkol sa concert. Ika ni Sheryl, "Well, the tower of our special guests, ang millennials natin sa GMA-7. We're very blessed, and we're so excited to perform."
Isinalaysay naman ni Manilyn ang mga posibleng klase ng kanta na ipe-perform nila. Aniya, "Siyempre, andiyan ang hit songs namin. May duets, may tatluhan, may pang maramihan."
Nag-hint din si Tina na tila may pasabog na magaganap. Paliwanag niya, "Kung ano 'yung mga iniisip ng fans, before and until now, basta I promise merong mangyayari. Secret!"
Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News
Photos by: _f8yf8_(IG)