
Sa pagpasok ng Bagong Taon, isang malaking twist ang inanunsyo sa Jan. 4 episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Ibinunyag dito na magkakaroon ng wild card kung saan may pagkakataong makabalik ang evicted Kapuso at Kapamilya ex-housemates sa Bahay Ni Kuya.
Ang evicted housemates na may chance na makatungtong muli sa PBB house ay sina (Kapuso) Waynona Collings, Marco Masa, Lee Victor, Anton Vinzon, at (Kapamilya) Eliza Borromeo, Iñigo Jose, Rave Victoria, at Reich Alim.
Taumbayan ang magdedesisyon kung sino ang gusto nilang muling makapagpatuloy ng kanilang journey sa PBB 2.0 sa pamamagitan ng pagboto sa Maya app.
Kung sino ang top two Kapuso at top two Kapamilya ex-housemates na makakakuha ng pinakamataas na boto ay mahaharap sa isang hamon.
Kung sino ang magwawagi sa challenge dito sila ang makakabalik at magiging official housemate muli.
Tatakbo ang botohan hanggang Sabado, January 10.
Huwag palampasin ang kaabang-abang na moments sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0. Mapapanood ito sa GMA at Kapuso Stream weekdays, 9:40 p.m., at Sabado at Linggo, 6:15 p.m.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream dito.
Kilalanin ang fan-favorite ships sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0: