What's on TV

Ex Battalion, may meet and greet kasama ang fans

By Bianca Geli
Published July 9, 2018 6:49 PM PHT
Updated July 9, 2018 6:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

From DongYan to Carla Abellana, here are some 2026 celebrity predictions by a Feng Shui expert
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Bilang pasasalamat sa kanilang fans, nakibonding ang Ex Battalion sa kanilang loyal fans.

Bilang pasasalamat sa kanilang fans, nakibonding ang Ex Battalion sa kanilang loyal fans. Sa ticket selling ng kanilang upcoming anniversary concert sa Ynares Sports Arena, sinorpresa ng grupo ang kanilang mga supporters: bata, matanda, buong pamilya, lahat sila nakiki-EXB! 

Nagbigay saya ang Ex B boys sa kanilang fans.

Ayon sa isang fan, “Ang saya, priceless!”

Ipinakilala naman ni Bosx1ne ang isang fan na dumayo pa sa Maynila para makita sila. “Si kuya galing pa ng Quezon Province, pumunta pa rito, napakalayo, para sa Ex B. Salamat kuya, salamat sa suporta mo.”

Mayroon ding isang buong pamilya na sabay manonood ng Ex B concert, ayon sa ama, “Para sa mga bata, kung ano man ang gusto nila.”

Pero hindi diyan nagtatapos ang bonding ng Ex Battalion sa kanilang fans.

May regalo ang Ex Battalion na matinding sorpresa bonding, jamming, souvenirs, at libreng concert tickets.

Panoorin ang recent episode ng ExB Rules! para malaman kung paano manalo!