
Ilang linggo na ang nagdaan nang mag-anunsyo ang Ex Battalion sa fans na nagpadala ng sulat sa ExB Rules! kung bakit sila ang karapat-dapat manalo ng isang meet-and-greet with Ex Batallion.
Sino kaya ang mapalad na tagahanga at bakit siya ang napili mula sa sandamakmak na sumulat?
Kuwento ni Bosx1ne, “Sumulat ang isang tatay, para sa anak niya. Si Jay-Pee Punzalan.”
Sumulat daw si Jay-Pee para sa anak niyang si Julianna na may glaucoma at big fan ng Ex Battalion.
Ayon kay Jay-Pee, “Ikinuwento ko lang 'yung istorya ng anak ko, na fanatic siya ng Ex Battalion. Sana mabigyan siya ng chance, maka-meet and greet, o maka-bonding 'yung Ex Battalion. Since eight years old na-diagnose siyang may Glaucoma. 'Pag Glaucoma kasi is, kung ano'ng name-maintain niyang paningin niya, 'yun na lang 'yung napre-preserve namin. So hangga't maari, every Wednesday nasa ospital kami, tapos may mga maintence siyang eye drops.”
Kasalukuyang nasa isang special education school na rin daw si Julianna kung saan nag-aaral siya ng braille dahil hirap na raw talaga itong magbasa.
Dagdag ni Jay-Pee, “Sana makapag-aral siya ng normal at maka-graduate, maging successful din. Alam ko namang maraming nagiging successful na kagaya niyang may kapansanan sa mata.”
Silipin ang naganap na meet-and-greet nila: