
Exciting PBB Celebrity Collab 2.0 tapatan ang inihanda ng Family Feud ngayong Biyernes.
Ngayong January 16, mapapanood ang friendly tapatan ng PBB Celebrity Collab 2.0 stars na sina Lee Victor at Iñigo Jose.
Tampok sa Team Lee ang Filipino-Welsh Sparkle artist na si Lee Victor na nakilala rin bilang "Ang Energetic Son-bassador ng Cavite." Kasama ni Lee sa Family Feud ang kaniyang ina na si Hazel Casiño, at mga kaibigan na sina Ethan Andrei Cabiente, at Gabriel Garcia.
Maglalaro naman sa Team Iñigo ang anak ni James Blanco at binansagang "Caring Kuya ng Parañaque" na si Iñigo Jose. Kabilang din sa Team Iñigo ang kaniyang ina na si Tania Creighton, ang kaniyang younger brother na si Sebastian Castillo, at ang kaibigan niyang si Matthew Rubio.
Fun moments, surprising answers, at marami pang iba ang mapapanood sa Family Feud ngayong January 16, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000!