GMA Logo Ashley Ortega AC Bonifacio in Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Ex-PBB duo Ashley Ortega at AC Bonifacio, sasalang sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ngayong Lunes

By Aimee Anoc
Published April 7, 2025 10:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega AC Bonifacio in Fast Talk with Boy Abunda


Makakakwentuhan ni Boy Abunda ngayong Lunes sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ang Ex-PBB housemates na sina Ashley Ortega at AC Bonifacio.

Sasalang ang ex-PBB housemates na sina Ashley Ortega at AC Bonifacio sa programang Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, April 7.

Noong March 29, ang duo nina Ashley at AC ang unang na-evict sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition matapos na makakuha ng pinakamababang boto.

Sa paglabas ng Bahay ni Kuya, bumuhos ang suporta at pagmamahal para kina Ashley at AC.

Pero, hindi maitatanggi na nagkaroon ng magkaibang sentimyento ang manonood para sa dalawang dating housemates, kung saan humarap si AC Bonifacio sa ilang mga negatibong komento tungkol sa kanyang naging journey sa PBB.

Alamin ang pagpapatuloy ng kanilang kuwento sa labas ng Bahay ni Kuya sa pagharap nila sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, 4:45 p.m. sa GMA.

SAMANTALA, BALIKAN ANG BEST MOMENTS NI ASHLEY ORTEGA SA LOOB NG BAHAY NI KUYA SA GALLERY NA ITO: