GMA Logo aljon mendoza
Photo by: Nherz Almo
What's Hot

Ex-'PBB' housemate Aljon Mendoza, pangarap maging broadcast journalist

By Nherz Almo
Published May 3, 2026 9:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Approval of 2 LEDAC bills eyed as House resumes sessions this week —Sandro Marcos
La Union wins Miss Universe Philippines 2026 crown
M1ss Jade So, Angel, and Popstar Bench to headline Australia drag shows

Article Inside Page


Showbiz News

aljon mendoza


Inspirasyon daw ni Aljon Mendoza ang pamilya kaya napagsasabay niya ang pag-aaral, pag-aartista, at pagiging content creator.

Habang naghihintay ng susunod na acting project, abala ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Aljon Mendoza sa paggawa ng mga online content.

Bukod sa mga pasilip sa kanyang buhay-artista, madalas din ipinakikita ni Aljon sa kanyang vlogs ang kanyang buhay sa likod ng camera. Isa sa mga pumukaw ng atensyon ng publiko ang vlogs niya tungkol sa pagbaha sa kanilang lugar sa Macabebe, Pampanga.

Sa katunayan, sa kanyang YouTube vlog noong 2023, nagmistulang dokumentarista si Aljon sa ipinakita niyang sitwasyon sa kanilang lugar.

“Gusto kong ituloy ang topic na yun, at gusto ko rin gumawa ng bago,” sabi ni Aljon sa entertainment media, kasama ang GMANetwork.com, na nakakuwentuhan niya kamakailan.

“Kasi, yung mga nagawa ko before. Gusto kong gumawa naman ng mga light ngayon, about tradition and culture [sa Pampanga].”

Ayon kay Aljon, noon pa man ay pangarap na niya ang maging isang broadcast journalist.

“High school pa lang ako, nagti-TV broadcasting na po ako. Nakikipag-compete kami sa iba't ibang clusters and division. Feeling ko, doon nagsimula yung curiosity ko sa pagbibigay ng balita, gumawa ng stories.

“Feeling ko, kahit anong iwas ko minsan, doon pa rin ako bumabalik. Totoo pala 'yon. Ewan ko kung calling ko ba talaga siya.”

Kung mabibigyan ng pagkakataon, nais daw niya maging isang news anchor: “Why not? Kung saan ako dalhin.”

Sa ngayon, mag-focus muna si Aljon sa kanyang pag-aaral. Kasalukuyan niyang tinatapos ang Business Administration Major in Marketing Management sa Philippine Women's University.

Kaugnay nito, nag-o-OJT (on-the-job training) ang binatang aktor sa bagong business na dine-develop ngayon ng batikang host na si Boy Abunda, na tumatayong mentor niya ngayon.

“To be honest, pini-figure out ko pa po kung ano yung mga tamang choices na dapat kong gawin. Sinasabi ko rin sa kanya kung ano pa ang mga dapat gawin. Unti-unti po, hindi kami nagmamadali.”

Ang batikang host na si Boy Abunda ay isa sa mga nag-udyok kay Aljon Mendoza na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Photo by: Nherz Almo

Nais daw ni Aljon na matulungan ang kanyang pamilya, kaya pursigido siyang mag-aral habang ipinagpapatuloy ang kanyang showbiz career at pagba-vlog.

Aniya, “Minsan iniisip ko kung saan nga ba napupunta yung mga kinikita ko. Kapag iniisip ko, minsan napupunta sa upa ko sa condo, sa pagkain, sa transpo.

“May kinikita ako sa pag-aartista pero marami rin talagang expenses. Ngayon, kumportable po ako, pero nag-iipon po. Hindi pa ako nakakapagpundar ng bahay, lupa, kotse… sana, sana.”

Ano naman ang na-realize ni Aljon sa walong taon niya sa showbiz, na maibabahagi niya sa aspiring artists?

“Siguro, ang masasabi ko lang talaga ay siguraduhin ninyong gusto n'yo at passion n'yo ang pag-aartista. Kasi, kung for clout lang, hindi ka magtatagal kasi marami kang pagdadanan talaga.

“Itong trabahong 'to, para sa akin, talagang papasok siya sa kaluluwa mo, e. Habang yung iba nakikita ka lang sa screen, siyempre, hindi naman nila nakikita yung behind the camera, kung paano ka every day. So, dapat tatagan ang loob at hindi ka mabulag sa fame. Huwag magmadali, maging patient,” pagtatapos niya.